Apat na dekada ang lumipas
umaapaw ang pananabik
sa pagkikitang muli.
Walang pagsidlan ang galak
mumunting tinig ay
kusang umalingawngaw.
Kasabay sa pag-alaala
ng nakaraan ang mga tawanan.
Luhang umalpas ay tanda
ng galak at pangungulila
sa isa’t isa.
-Reunited (After 43 years)
Mahigit na apatnapu’t tatlong taon silang di nagkita. Saksi ako kung paanong ang mga luha ay kusang kumawala sa kanilang mga mata. Saksi akong pilit nilang itinatago sa mga ngiti ang pananabik nila sa isa’t isa. Saksi ako kung paanong ang mga bisig nila ay kusang nagyakapan ng mahigpit hanggang sa maibsan ang kanilang pananabik sa isa’t isa. Ngunit alam kong hindi iyon sapat para maibsan.
Bawat yakap ay ninamnam, walang katapusan hanggang sa sila naupo sa isang silya na kanina pang nag-aantay sa kanila.
Bawat segundo ay mahalaga sa kanilang dalawa. Sa kanilang pagkikitang muli inaalala ang mga kahapong lumipas. Pinagkwentuhang muli ang mga nakalipas na…
View original post 503 more words

Leave a comment